Chinese military uniforms sa nasalakay na POGO hub sa Porac, napag-alamang outdated

Bagama’t authentic ang nadiskubreng mga Chinese military uniforms sa nasalakay na POGO hub sa Porac, Pampanga, kinumpirma ng Presidential Anti-Organized Crime Commission (PAOCC) na outdated na ang mga ito.

Ayon kay PAOCC spokesperson Winston John Casio, nakipagugnayan sila sa mga eksperto hinggil sa usaping ito, na nagsasabing maaring mga beterano ang mga may-ari ng uniporme.

Gayunpaman, sinabi niya na hindi nila maaaring balewalain ang posibilidad na mayroong Chinese military spies sa pasilidad.

Hindi nila aniya maaaring tapusin ang naturang teorya hanggang sa magkaroon sila ng matibay na ebidensya na ang mga pasilidad ay talagang ginagamit para sa espiya.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *