Chinese leader Xi Jinping at Russian President Putin nakatakdang magpulong sa Uzbekistan

Nakatakdang makipagkita si Chinese President Xi Jinping kay Russian President Vladimir Putin sa kanyang kauna-unahang foreign trip mula noong pumutok ang COVID-19 pandemic.

Magkikita ang dalawang world leaders sa sidelines ng major regional summit sa Uzbekistan. Kaugnay nito, hindi na naglabas ng dagdag pang detalye ang Beijing at Moscow hinggil sa pagkikita ng dalawang leader.

Read More:  Wildfire haze disrupts classes for 1.4 million students across Indonesia

Bago ang pagkikita ay sisimulan ni Xi ang kanyang 3-day trip sa Kazakstan ngayong araw kasunod ng pagkikita nila ni Putin bukas sa Shanghai Cooperation Organization Summit sa Samarkand na isasagawa mula September 15 hanggang 15.

Read More:  Iran retaliates after US launches fresh strike a month later

Inaasahan ding dadalo sa summit ang mga leader ng Uzbekistan, Kazakhstan, Kyrgyzstan, Tajikistan, Iran, India at Pakistan.

Ang pagbiyahe ni Xi ay gagawin sa gitna na din ng bagong lockdowns sa China kung saan nananatili ang kanyang zero COVID policy.