Chinese at Western painting exhibit sa SM City Sorsogon, nagpapatuloy

Nagpapatuloy ang Chinese and Western Painting Exhibit sa Events Center ng SM City Sorsogon na nagtatampok sa mga ‘obra maestra’ ng Renowed Chinese Artist na si Chan Lim.

Ang nasabing aktibidad na nagsimula noong September 30, 2023 at magtatagal hanggang sa October 21 niotng taon ay may layuning mabigyan ng pagkakataon ang mga bibisita na ma-immerse ang kanilang mga sarili sa Chinese and Western artistry kasabay ng isang hands-on Chinese art painting workshop.

Read More:  4-year-old boy dies, two other minors survive drowning incident in Lapu-Lapu City

Bukod sa mga obra ni Lim ay tampok din ang 403 pang mga artworks na gawa ng 57 iba pang mahuhusay na artist.

Read More:  Police captain killed in shooting inside Capiz KTV bar

Dumalo sa pagsisimula ng nasabing aktibidad ang pamilya ng nabanggit na renowed Chinese artist habang nakilahok naman sa Chinese Art Painting ang ilang mag-aaral mula sa VIP Learning Center Inc., Yellow Woods Educational Center, Balogo East Elementary School at mga young artist mula sa Ugnayang Sining Biswal.