Chinese Ambassador Huang Xilian—idineklarang persona non grata sa Kalayaan, Palawan

Idineklara nang persona non grata si Chinese Ambassador to the Philippines Huang Xilian sa bayan ng Kalayaan sa Palawan.

Ang Kalayaan group ang nag-iisang opisyal na munisipalidad na pasok sa ilang bahagi ng West Philippine Sea (WPS).

Read More:  DFA warns Chinese Embassy over controversial social media posts

Nagkasundo ang mga miyembro ng Sangguniang Bayan sa Kalayaan na i-deklarang persona non grata si Huang bilang pag-protekta umano sa karapatan ng Pilipinas.

Read More:  DILG offers ₱50 million reward for Bato dela Rosa’s arrest

Anila, bilang natatanging LGU sa WPS – nararapat lang daw na maglabas na sila ng aksyon para sa patuloy na harassment ng China sa mga Pilipino.