‘China, nagsasagawa ng simulation attacks sa US Navy ships’ -Taiwan

Inihayag ng Taiwan’s defense ministry na nagsasagawa ng pag-atake ang China sa US Navy ships, at target umanong mapigilan ang foreign forces na makatulong sa Taiwan sa oras na magkaroon ng giyera.

Matatandaan na mas naging matensyon ang kaganapan sa pagitan ng China at Taiwan nang bumisita sa Taipei noong nakaraang buwan si US House Speaker Nancy Pelosi.

Read More:  Sri Lanka rescues 40 Iranian sailors after medical emergencies at sea

Ayon sa Taiwan’s defense ministry, patuloy ang pagpapalakas ng China sa kanilang combat preparedness para sa kanilang pag-atake sa isla,

Read More:  Rescuers continue search for more victims after deadly high-speed train collision in Spain

Tututok umano ito sa first island chain, na mula sa Japan papunta sa Taiwan, at Pilipinas papuntang Borneo.

Wala pa namang tugon ang Beijing hinggil sa naturang ulat.