1,500 na PNP Personnel at mga police cars ibababa sa naga bilang augmentation ngayong Peñafrancia

NAGA CITY- 1, 500 na mga pulis ang inaasahang ibababa sa Naga bilang augmentation force ngayong Peñafrancia Festival.

Kahapon tumungo ang ilang matataas na opisyal ng Naga City Police Office (NCPO) sa Regional Office 5 upang plantsahin ang kanilang deployment. Maliban dito sinabi sa Brigada News FM Naga ni PLtCol. Errol Garchitorena, Deputy City Director For Operations na inaasahan din nilang mapagbibigyan sa hiling na makagamit pansamantala ang Naga ng patrol cars na dagdag sa mga iikotsa pagpapanatili ng kapayamaan at magagamit din sa emergency.

Read More:  Farmers’ daughter from Bukidnon tribe tops CPSU Batch 2026 graduates with 1.17 GWA
Read More:  Radio commentator killed in BARMM shooting

Ang NCPO ay mayroong nasa 800 na mga personahe , hinding-hindi kakayanin ang dagsa ng mga deboto at bisita sa lungsod.

Samantala ang augmentation force ay madedeploy sa mga major events.