Muli na namang nagsagawa ang China ng peligrosong maneobra sa resupply mission ng mga tropa ng Pilipinas.
Sa video na ipinakita ni Senate President Migz Zubiri, makikitang hinarangan ng Chinese Coast Guard ang mga barko ng Pilipinas.
Papunta raw sana ito sa BRP Sierra Madre Ayungin Shoal para magdala ng mga supply sa mga Pilipinong nakaposte doon.
Makikita sa video ang pagarangkada ng Chinese Coast Guard vessel para harangan ang ating barko.
Sa hiwalay na tweet ng dating US senior defense official at maritime security expert na si Ray Powell, ipinakita nito ang tatlong Chinese vesells na umaligid sa ating mga barko.
Kung maaalala, makailang beses nang pinigilan ng China ang resupply mission ng Pilipinas.
Sa kabila nito, mayroon isang naging matagumpay sa tulong ng Philippine Coast Guard at ng Philippine Navy.