China, may “special arrangements” sa paghahatid ng supply ng Pilipinas sa Ayungin Shoal

Gumawa na ang China Coast Guard ng “temporary special arrangements” para makapaghatid ang Pilipinas ng mga supply sa mga sundalo sa BRP Sierra Madre sa Ayungin Shoal.

Saad ng CCG, pinahintulutan nito ang mga kinakailangang suplay, ngunit determinadong ipagtanggol nito ang soberanya at mga karapatan at interes ng Tsina sa pandagat at mga kalapit na tubig nito.

Read More:  Padilla renews death penalty call after MC taxi rider killing

Maalalang nagpakalat ng mga sasakyang pandagat ang China para harangin ang mga misyon ng Pilipinas na magsusuplay ng mga tropa sa BRP Sierra Madre

Read More:  Ateneo holds 40th-day memorial mass for Baterbonia and Adili

Muli silang nanawagan sa Pilipinas na hilahin ang barko sa bahura, batay sa pangakong sinabi nitong ginawa ng ating bansa, na mariing itinanggi ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.