Chezka Centeno, nag-kampeon sa WPA World 10-Ball Women’s Championship

Matamis na inangkin ni Chezka Centeno ang kampionato sa World Pool-Billiard Association (WPA) World 10-Ball Women’s Championship.

Ito’y matapos nanalo ang 24-anyos na Pilipina laban kay Han Yu ng China sa iskor na 9-5.

Ayon sa kampeon, ‘dream come true’ ito para sa kanya dahil simula 5 taong gulang ay hinahangad na nitong manalo.

Nakatanggap si Centeno ng tumataginting na $50,000 premyo o mahigit P2.8 milyon.

Sa huli nagpasalamat din ang champion sa pamilya nito at maging sa kanyang mga taga-suporta.