Bumubuo ang Commission on Higher Education (CHED) ng tatlong taong intervention program upang madagdagan ang bilang ng mga magpapatuloy sa larangan propesyon sa medisina.
Layunin nitong matugunan ang kakulangan ng mga manggagawa sa pangangalagang pangkalusugan sa Pilipinas.
Ayon kay CHED Chairperson Prospero “Popoy” de Vera III, nakatakda iharap ng komisyon kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos master plan nito ngayong araw, batay sa paglilitis ng mga eksperto sa industriya.
Lumalabas sa kanilang pag-aaral na maaring kulangin rin ng manggagawa sa physical therapy, medical technology, radiologic technology, at occupational therapy.
Nananatiling hamon sa gobyerno ang pag a-abroad ng mga healthcare workers na Pilipino, partikular ang mga nars, para sa mas matataas na suweldo.