31st Pinyasan Festival: Pinyasan Job Fair, Pinyasan Youth Leadership Enhancement Training, at Ms. Gay Pinyasan 2024, isasagawa ngayong araw

Daet, Camarines Norte — Nagpapatuloy ang masiglang selebrasyon ng 31st Pinyasan Festival kung saan tampok ngayong araw, Hunyo 19, 2024 ang Pinyasan Job Fair na gaganapin sa SM City Daet ng alas-diyes ng umaga.

Kasabay nito, idaraos din ang Pinyasan Youth Leadership Enhancement Training na dadaluhan ng mga piling Sangguniang Kabataan (SK) officials at Katipunan ng mga Kabataan (KK) members mula sa 25 na barangay ng munisipalidad sa Centennial Wharf, Brgy. San Jose, Talisay, Camarines Norte.

Magaganap naman ang Ms. Gay Pinyasan na nilahukan ng labimpitong kandidata sa Agro Sports Center sa ganap na alas-siyete ng gabi.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *