CHED-Bicol patuloy sa paghikayat sa mga estudyante, faculty at staff na magpaturok na ng kanilang booster dose

SORSOGON CITY – Patuloy ang Commission on Higher Education (CHED) Bicol sa kanilang pakiusap sa mga estudyante, mga faculty at staff ng mga paaralan sa kolehiyo na magpaturok na ng kanilang booster dose.

Sa pahayag sa Brigada News FM-Sorsogon ni CHED Bicol Focal Person for Vaccination and Face to Face Classes Program Dr. Pamela Viñas,  sinabi nito na ito’y bilang bahagi ng paghahanda sa pagbubukas ng klase ngayong school year 2022-2023.

Read More:  Binalbagan River residents brace for foul odor, murky water as milling season opens

Binanggit pa nito na bagama’t hindi pa umano nirerequire ang full face to face classes, mahalaga pa rin ang pagiging bakunado hindi lamang para sa kanilang sariling proteksyon kundi maging ng kanilang mga pamilya.

Read More:  Fuel squeeze brings four-day workweek back to two Negros LGUs

Paghahanda na rin umano ito sakaling isasakatuparan na ang full face to face classes.