Change of command ceremony, isinagawa ng PCG Bicol; bagong coastguard commander, uupo na

LEGAZPI CITY – Isinagawa ngayon araw ang change of command ceremony ng Philippine Coast Guard (PCG) sa regional site center sa Brgy. Rawis, lunsod ng Legazpi na dinaluhan ng mga matataas na opisyal at ilang personahe ng PCG.

Ayon kay CG Lt. Commander Emman Avila, regional spokesperson ng nasabing tanggapan, aalis na si GC COMMO Angel Viliran at uupo naman ang bagong CG COMMO na si Genito Basilio.

Read More:  Live bullet and bullying note found inside Bacolod university

Si Viliran ay nagtagal ng halos magpi-pitong buwan ngayon taon at lilipat na sa National Office ng PCG.

Aniya, sa loob ng pitong buwan ng panunungkulan ay nabigyan ng pagkakataong magkaroon ng opisina ang mga personahe ng coastguard auxilliary, solidarity, maritime district meeting sa mga stakeholders, shipping lines kung saan dito na rin naihahayag ang kanilang hinaing at nasosolusyunan ang kanilang problema.

Read More:  Soldiers trek 25 kilometers carrying school chairs for Indigenous students in Davao del Norte

Maliban pa rito, binigyan din ng pagkakataong makausap ang bawat departamento ng ahensya at marami pang iba.

Nilinaw rin ng PCG Bicol na ang pagpapalitan ng district commander ay walang kinalaman sa negative performance, bagkus, ito ay normal sa mga ahensya at sa iba pang government offices.