Chairman ng House labor panel , humingi pasensya sa mga manggagawa sa gitna ng apela sa dagdag-sahod

Humingi ng pasensiya si House Committee on Labor and Employment chairman at Rizal Rep. Fidel Nograles sa mga manggagawa sa gitna ng panawagan sa taas sahod.

Sa isang pahayag kahapon sinabi ni Nograles, na naiintindihan niya ang pinagmumulan ng panawagan ng mga manggagawa dahil sa walang humpay na pagtaas ng mga bilihin ngunit kailangan aniyang balansehin ang interes ng iba pang stakeholders.

Read More:  Three tropical cyclones boost Habagat rains in Luzon as PAGASA tracks Pilandok

Hindi umano uubra na madaliin ang deliberasyon sa mga panukalang batas katulad ng wage hike.

Read More:  DA urges Filipinos to stop wasting rice as PhilRice says 10.85 million sacks are wasted yearly

Sinabi ni Nograles na kaunting pasensiya pa upang masigurado, na ang ipapasang batas ng kongreso ay tunay na makakaresolba sa mga problemang kinakaharap ng mga manggagawang Pilipino.

Iginiit din ng mambabatas na patuloy na ipinaglalaban ng Kamara ang kapakanan at karapatan ng mga manggagawang Pinoy.//CA