Cha-cha, makatutulong umano sa pagbaba ng unemployment rate sa bansa

Naniniwala si Surigao del Norte Second District Representative Robert Ace Barbers na napapanahon nang amiyendahan ang Saligang Batas upang magtuluy-tuloy ang pagbaba ng unemployment rate sa bansa.

Ayon kay Barbers, sa kasalukuyan ay kailangan na ang constitutional amendments na nakasentro sa economic provisions.

Read More:  Ukrainian firm facing money laundering charges sent funds to Duterte-linked company

Dapat aniyang magsilbing daan ang pagbaba ng unemployment rate para pagaanin ang mahigpit na economic provisions ng 1987 Constitution.

Paliwanag ni Barbers, makalilikha ng mas maraming trabaho at kita para sa mamamayan at economic activities ang pagbubukas ng bansa sa mas maraming foreign investments.

Read More:  No government expense for Marcos’ F1 ticket, Palace says

Batay sa pinakahuling Labor Force Survey mula sa Philippine Statistics Authority, bumaba sa 3.6 percent ang unemployment rate nitong Nobyembre mula sa 4.2 percent noong Oktubre ng taong 2023.