Cgdpal, patuloy sa paghahanap sa 8 mangingisda na naglayag patungo sa Reed bank sa WPS

Beniberipika pa rin ng Coastguard District Palawan ang impormasyon tungkol sa mga nakitang mga bangka sa Iroqouis reef na nasa timog na bahagi ng Reed Bank sa West Philippines Sea.

Ayon kay Coastguard Lieutenant Senior Grade GRETCH MARY BLANCA ACUARIO, ang mga namataan na fishing boats ay inaalam kung ito ang sinasakyan ng walong Palaweñong nawawala.

Read More:  Mother of four dies while queuing for P20 rice in Bukidnon

Sa ngayon ay hindi pa nila nakakausap muli ang MRRV 4402 ng Phil. Navy dahil wala umanong signal sa bahagi ng karagatan.

Idinagdag din ni Lieutenant Acuario na walang floating asset ang Navy sa lugar.

Sa kabila ng beripikasyon ay hindi pa tumitigil sa paghahanap ang search and rescue team sa mga mangingisda na umalis mula noong September 22, 2022 mula sa Barangay Bagong bayan, Puerto Princesa City.

Read More:  DOH-XII records 277 new HIV cases in first quarter of 2026

Samantala, nanawagan ang ang pamilya ng walong mangingisda sa publiko na huwag silang bigyan ng maling pag-asa sa kinaroroonan sa kabila ng labis na pag-aalala nila.