Anti-smoke belching operations, isinagawa sa Legazpi City

LEGAZPI CITY – Nagsagawa ng anti-smoke belching operations ang City Local Government Unit (LGU) Legazpi, katuwang ang task force Bantay bayan Highway Patrol group, Environmental Management Bureau, Department of Environment and Natural Resources, at Land Transportation Office sa kahabaan ng Rizal Street ng Barangay Cabangan ng nasabing lungsod.

Read More:  Grenade attack on military truck injures five in Maguindanao del Sur

Ayon kay Jun Cabria ng Bantay Bayan HPG, isasailalim sa inspeksyon at testing ang mga sasakyang jeepney gamit ang opacimeter at gas analyzer.

Marami umanong mga jeepney ang bumabagsak tuwing sila’y magsasagawa ng anto-smoke belching operation sa lunsod.

Read More:  Rescued Philippine eagle survives critical injuries in Bukidnon as experts find airgun pellets

Layunin ng lokal na pamahalaan na mapangalagaan ang kalidad ng hangin sa pamamagitan ng pagsasagawa ng mga anti-smoke belching test. Pinayuhan ng task force ang mga driver at operator na dapat tiyakin na name-maintain nang maayos ang sasakyan upang hindi ito nagbubuga ng maitim na usok.