CAUAYAN CITY, patuloy sa pagpapaigting sa health protocols; bilang ng nabakunahan sa lungsod, mababa pa rin- MAYOR BERNARD DY

Mas papaigtingin ng lokal na pamahalaan ng Cauayan ang kanilang pwersa at hakbangin sa paglaban sa patuloy na pagtaas ng kaso ng nagpopositibo sa COVID 19 sa kanilang nasasakupan.

Ito ang inihayag ni Cauayan City Mayor Bernard Dy sa naging panayam ng 92.9 Brigada News FM Cauayan.

Ayon kay City Mayor Dy, matinding hamon pa rin sa kanila ang patuloy na pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa kalunsuran kung saan nasa 230 na ang aktibong kaso ng nakakahawang sakit sa naturang lungsod.

Read More:  Viral Bulacan cop removed after brutal assault on wife

Batay umano sa report ng City Health Office, karamihan sa mga bagong kaso ay ang mga close contact ng mga unang nagpositibo.

Bukod dito ay mababa rin umano ang mga nagpapabakuna kung saan nasa 40% mula sa A1 Priority Group ang hindi pa nabakunan sa forest region at RHU2, 14% naman mula sa RHU1 habang 10% palang ang mula naman sa A2 Priority Group.

Aniya, isa umano itong malinaw na manipestasyon na mababa pa rin ang kumpyansa na makamtan ang herd community sa lungsod.

Read More:  Mayon unrest pushes Albay farm damage beyond P6.6 million

Dahil dito ay hinimok niya ang publiko na magparehistro para magpabakuna lalo na sa mga priority groups at sumunod pa rin sa patuloy na umiiral na protocols upang maiwasan ang pagkalat ng naturang sakit.

Magugunitang nakategorya ang Cauayan sa High Level  Epidemic Risk Classification kung saan ang Average Daily Attack Rate (ADAR) o bilis ng pagdapo ng virus sa lungsod ay tumaas sa nakalipas na dalawang linggo.