Tumaas pa ang kabuoang bilang sa kaso ng coronavirus disease 2019 sa Pilipinas sa 1,339,457, matapos maiulat ng Department of Health (DOH) ang 6,637 new infections.
Ito na ang pang ika-walong sunod-sunod na araw kung saan naitala ang mahigit 5,000 bagong infections.
Dahil dito, sinabi ng DOH na muling umakyat ang bilang ng active cases sa 58,407, kung saan 91.8% ang nakakaranas ng mild, 3.8% ang asymptomatic, 1.8% ang severe, at 1.3% ang nasa kritikal na kondisyon.
Hindi naman kasama sa naturang bilang ang datos mula sa limang laboratoryo na hindi nakapagsumite ng reports on time.
Kaugnay nito, inanunsyo rin ng ahensya na ang total recoveries ay tumaas sa 1,257,774 matapos gumaling ang 4,585 pang pasyente, habang 155 naman ang mga bagong fatalities na naidagdag sa kabuoang death toll na 23,276. // MHEL PACIA-TRINIDAD
