BNFM BICOL—Inanunsiyo ng pamunuan ng Catanduanes State University na mag-aalok na ng kursong Electronics and Communications Engineering o ECE ang naturang unibersidad ngayong Academic Year 2022-2023.
Sa pamamagitan ng Facebook post, sinabi ni CatSU President Dr. Patrick Alain Azanza na maraming oportunidad at trabaho ang magbubukas para sa mga Catandunganon na makakapagtapos sa nasabing kurso.
Kaugnay nito, pinayuhan ng opisyal ang mga estudyante sa lalawigan na tu-tung-tong pa lamang sa Senior High School na kumuha ng Science, Technology, Engineering and Mathematics na strand upang magkaroon na ng advance na pag-aaral sa mga asignaturang may kaugnayan sa kursong ECE.
Matatandaang una nang inihayag ng pamunuan ng CatSU na kanilang isinusulong ang paglalagay ng mga karagdagan at bagong academic programs sa pinakamalaking unibersidad sa islang lalawigan.###