Bilang ng mga mag-aaral na nakiisa sa ‘early registration’ ng DepEd-Bicol, umabot na sa mahigit 52K

BNFM BICOL—Inanunsiyo ng Department of Education o DepED-Bicol na umabot na sa 52,398 na mga mag-aaral sa rehiyon ang nagpatala sa “Early Registration” ng ahensya para sa school year 2022-2023.

Ang nasabing bilang ay batay sa pinaka latest na datus ng ahensya as of April 4, 2022 kung saan 25,771 sa mga ito ay mga lalaking mag-aaral habang 26,627 naman ay mga babae na nasa Kindergarten, Grade 1, Grade 7 at Grade 11 na sa susunod na pasukan.

Read More:  Mother of four dies while queuing for P20 rice in Bukidnon

Pinakamarami ang enrollees sa Grade 1 na umabot sa 19,996; sumunod ang Grade 11 na may 11,668; nasa 11,025 ang Kindergarten habang 9,709 naman ang mga nag enroll sa Grade 7.

Samantala, mula naman sa 3,914 na mga pampublikong pang-elementarya at pang-sekondaryang eskwelahan sa Bicol, 31.76% o 1,243 sa mga ito ang nagpartisipa sa early registration ng ahensya kung saan ang Schools Division Office ng Iriga City at Legazpi City ang nakapagtala ng 100 posyentong partisipasyon.

Read More:  Kabankalan MSMEs prove their mettle at Negros Trade showcase

Kaugnay nito, patuloy naman ang paghikayat ng DepEd-Bicol sa mga paaralan, mga magulang at mag-aaral na makilahok sa early registration na malaking tulong umano sa ahensya para makakalap ng datus kung ilang mga estudyante ang magbabalik eskwela sa susunod na pasukan,  upang matukoy ang mga posibleng kakulangan at problema na maaaring kaharapin bago ang regular na enrollment ng klase sa susunod na school year.###