Cassanda Li Ong at Wesley Guo – mag-nobyo

Matapos ang mahabang oras ng panghihikayat, nakipag-cooperate na sa House Quad Committee ang itinuturing na authorized representative ng Lucky South 99 POGO Hub sa Porac, Pampanga na si Cassandra Li Ong.

Nangyari ito matapos patawan ng pangalawang contempt order si Ong upang ilipat sana sa Correctional Institute for Women sa Mandaluyong City dahil sa pagtangging sumagot sa mga tanong.

Iginigiit kasi ni Cassie sa pamamagitan ng kanyang abogadong si Atty. Ferdinand Topacio ang karapatan na manahimik at ang right against self-incrimination.

Read More:  Visayas grid to experience Yellow Alert again today

Bago ito, inalok muna si Ong na magsalita sa isang executive session ngunit kalaunan ay pumayag nang makipagtulungan sa komite.

Kinumpirma nito na umalis siya ng bansa gamit ang Ninoy Aquino International Airport at nagtungo sa Malaysia upang makipagkita kina Alice Guo, Shiela Guo at Wesley Guo.

Inamin din niya na nobyo niya si Wesley at nagtungo siya sa Batam, Indonesia.

Itinanggi naman ni Ong na may kinalaman siya sa ilegal na operasyon ng POGO sa Pampanga dahil real estate ang kanyang trabaho at incorporator siya ng Whirlwind Corporation na nagpaupa ng mga gusali sa Lucky South 99.

Read More:  Cayetano vows ‘forthwith’ action on VP Sara impeachment

Samantala, pumayag si Ong na pumirma ng bank waiver para sa lahat ng kanyang accounts upang masuri ang mga transaksyon.

Dahil dito ay nag-mosyon si Lanao del Sur Representative Zia Alonto Adiong na bawiin na ang pangalawang contempt order kaya mananatili na si Cassie na nakakulong sa House of Representatives Detention Center.