Naibulsa na ni Carlos Yulo ang kanyang ikatlong gintong medalya sa 31st Southeast Asian Games sa Vietnam.
Nakuha ni Yulo ang ikatlong gold, matapos manguna rings finals kahapon, sa 14.400 points.
Nakuha naman nina Vietnam’s Nguyen Van Kanh (13.800) at Thanh Tung Le (13.500) ang sunod na dalawang spots.
Bago pa man makuha ang ikatlong gold, bigo na makaakyat si Yulo sa podium sa pommel horse, kasama ang compatriot na si Jan Timbang.
