CARAGA Police, tiniyak ang seguridad ng Senado sa Sitio Kapihan sa Socorro

Tiniyak ni Regional Director BGen. Kirby Kraft ng Caraga Police Regional Office na kontrolado nila ang seguridad sa Kapihan sa Socorro, Surigao del Norte na bibisitahin ng ilang opisyal bukas.

Sa panayam ng Brigada News FM kay BGen. Kraft, mismong mga otoridad na ang nakabantay sa pinakang gate ng Mt. Kapihan na nasa 250 hectares at wala na ang mga tauhan ng Socorro Bayanihan Service Inc., (SBSI).

Read More:  House prosecution panel names official spokespersons for Duterte impeachment

Inihayag naman ni Reg. Dir. ng Caraga PRO, na sa ngayon ay iisang Senador pa lamang ang kompirmado na bibista sa occular inspection bukas.

Paglilinaw ng opisyal, hindi natigil ang pamumuhay ng mga nasa Kapihan sa gitna ng police visibility sa lugar bagkus labas-masok ang mga naninirahan doon kagaya ng kanilang normal na pamumuhay sa bundok.

Read More:  More than 1,100 PNP personnel face penalties amid internal cleansing drive

Una rito, naging mainit ang usapin sa Socorro dahil sa umano’y pang-aabuso sa mga kabataan na nagaganap sa Kapihan na kinasasangkutan ng lider at matataas na opsiyal ng SBSI.