Canoreco inulan ng reklamo hinggil sa mataas na singil sa kuryente ngayong buwan

CAMARINES NORTE- Aminado ang Camarines Norte Electric Cooperative na marami ito ngayong natatanggap na reklamo dahil sa mataas na bayarin sa kuryente ngayong buwan.

Nagpaliwanag naman ang naturang kooperatiba ng kuryente sa kanilang regular na programa sa radyo noong Biyernes.

Tumaas daw talaga ang rate ngayon kaya lahat ay tumaas ang power bill.

Una nang inanunsiyo ng Canoreco na tumaas ang April 2022 billing rates na patuloy na binabayaran ng mga kunsomidores ngayong buwan.

Ang residential rate ay Php12.7696 per kWh  kumpara sa Php11.7619 per kWh lamang noong nakaraang March 2022 billing.

Read More:  Five treasure hunters trapped in Panabo tunnel; three still missing

Ang low voltage rate naman ay Php11.8160 per kWh at ang high voltage rate ay Php10.0164 per kWh o nagkaroon ng pagtaas na nasa Php1.0077 per kWh.

Ang pagtaas na ito ay bunsod ng pagtaas ng Blended Generation Charge bilang resulta ng significant increase on Fuel Cost ng Therma Luzon, Inc. (TLI) para sa supply month ng March 2022.

Dagdag pa rito ang mas mataas na average prices sa Wholesale Electricity Spot Market (WESM) dahil sa pagbaba ng average supply margin sa Luzon at Visayas ng 4% na dulot ng significant outages ng mga baseload generator at ng patuloy na gas restriction ng Malampaya Gas Facility.

Read More:  ₱799M illegal cigarette operation uncovered in Negros Occidental; 10 Chinese arrested

Bahagyang tumaas rin ang Transmission Charge dahil sa mas mataas na Ancillary Service Charge sa billing mula National Grid Corporation of the Philippines (NGCP).

Tumaas din ang System Loss Charge at ang Value Added Tax (VAT) Charges gayundin ang Lifeline Subsidy,Senior Citizen Subsidy at ang Generation Rate Adjustment Mechanism (GRAM)/Incremental Currency Exchange Rate Adjustment (ICERA).