Canada naghahanda sa hagupit ng hurricane ‘Fiona’

Pinaghahanda ng Canadian government ang mga resident ng Atlantic coast dahil sa pinangangambahang paghagupit ng hurricane Fiona kasunod ng pagbayo nito sa Bermuda.

Ayon sa Canadian Hurricane Centre, inaasahan nilang magla-landfall si Fiona sa mga baybayin ng Canada Sabado ng umaga (Canadian time).

Read More:  At least 27 killed after Fire engulfs beer hall in Thailand

Inihayag ng mga otoridad na posibleng maranasan ang mga coastal flooding, powwer outages at mga peligrosong driving conditions sa mga kalsada. Kinumpirma din ng Canadian forcasters na posibleng bitbit ng Hurricane Fiona ang lakas ng hangin na 120MPH o 195 kilometers per hour.

Aminado naman si Canadian Prime Minister Justin Trudeau na inaasahan nilang magiging mapaminsala ang bagyo kaya naman pinayuhan ang lahat at mga local authorities na pag-ibayuhin ang pag-iingat at paghahanda sa susunod na 24 oras.

Read More:  US launches campaign to dismantle ICC

Una nang naitala ang walong patay sa dinaanan ni Hurricane Fiona sa Caribbean.