CAMARINES SUR- “Abaanang init!” ito ang karamihang sambit ng mga taga Camarines Sur kaugnay ng napakainit ng panahon nitong mga nagdaang araw.
Kaugnay nito nagpalabas ng Memorandum si Governor Luigi Villafuerte para sa Provincial Disaster Risk Reduction and Management members, mga pampubliko at pribadong paaralan, higher education institutions, mga Mayors, DRRMC chairpersons/, mga barangay kapitan, BDRRMC chairpersons at publiko ukol sa mga nararapat na gawin.
Kasama sa memorandum ang Blue Alert Status ng PDRRMC, adjustment sa learning delivery upang malimitahan ang exposure sa init pero nasisiguradong tuloy ang klase. Hindi na rin require ang school uniform, papayagan ang pag relax sa pagsunod sa dresscode sa mga opisina at puwede rin ang work from home arrangement. Inaabisuhan din ang mga nasa field na kung maaari ay alas 6 hangganga alas-9 lamang ng umaga at alas- 3 hanggang alas-6 naman ng gabi.
Importante din sa kautusan ang pagsisiguro na mayroong mga pasilidad sa mga opisina at paaralan kung may kailangan ng medical na atensyon at reresponde sa hindi inasahang lagay ng kalusugan dulot ng mainit na panahon.