Camarines Sur, tanging probisya sa Bicol na nakapagtala ng mga bagong kaso ng COVID-19, kahapon

BNFM BICOL—Tanging ang lalawigan lamang ng Camarines Sur ang nakapagtala ng mga bagong kaso ng COVID-19 sa Bicol region kahapon.

Batay sa ulat ng Deparment of Health, apat na mga bagong kaso ng sakit ang naitala sa rehiyon  na pawang mula sa lalawigan ng Camarines Sur,. Partikular sa  bayan ng Bato, Goa, at lungsod ng Naga at Iriga.

Read More:  DOH-XII records 277 new HIV cases in first quarter of 2026

Zero new case naman ang iba pang probinsya sa rehiyon daan upang umakyat sa 59,020 ang mga kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa rehiyon kung saan 1,212 sa mga ito ang nananatiling aktibo.

Read More:  Rider dies after crashing into trailer truck in Davao City

Samantala, nadagdagan naman ng 152 ang bilang ng mga gumaling kung kaya’t nasa 55,518 na ang COVID-19 recoveries sa Bicol habang walo naman ang naitalang mga panibagong nasawi kung kaya’t sa kabuuan ay umabot na sa 2,290 ang death toll ng COVID-19 sa Bicol.###