Camarines Sur nakapagtala ng isang kaso ng Tigdas-hangin; Health Official nag paalala sa pag-iingat sa ibang mga sakit

NAGA CITY- Nagpalabas ng abiso ang Department of Health Bicol ukol sa 46% na pagtaas ng kaso ng Tigtas at Tigdas Hangin sa kumpara noong 2021.

Isa ang kaso ng Tigdas sa Catanduanes habang tig-iisang kaso ng Tigdas-Hangin sa Camarines Sur, Masbate at Sorsogon.

Ang Tigdas ay sakit kung saan ang karaniwang sintomas ay ubo, sipon at pamumula ng mata. Maaaring ring magkaroon ng pamamantal o rashes sa buong katawan, pagkatapos ng ilang araw na may mala-trangkasong pakiramdam. Habang ang  Tigdas-hangin ay impeksyon na karaniwang nakakaapekto sa balat. Tulad ng Tigdas, nakakahawa rin ang Tigdas-hangin sa pamamagitan ng kontak sa sipon o plema ng may sakit.

Read More:  18 street vendors selling soap along Cebu roads brought to police station
Read More:  Mother of four dies while queuing for P20 rice in Bukidnon

Sa Camarines Sur , sinabi ni San Jose Municipal Health Officer Dr. Arnel Armea na nakabantay din ang kanilang mga tauhan ukol sa iba pang sakit maliban sa pagtutok sa paglaban sa COVID-19, kasama sa mga minominitor ang Dengue  at Diarrhea. Binigyang diin ni Dr. Armea na  makakaasa ang residente  ng gamot sa Botika ng Bayan mula sa DOH.