Camarines Sur nakapagtala ng 17 sugatan dahil sa paputok-CSPPO

CAMARINES SUR- 17 na ang naitalang fire craker related injury sa Camarines Sur kung pagbabasehan ang record ng Police Provincial Office.

Sa ibinahaging datus sa Brigada News FM Naga ni PCapt. Marlon Lladoc, tagapagsalita ng PNP sa lalawigan 7 ang sugatan sa Bula, dalawa sa bayan ng Pamplona kung saan isa nga rito ang nasawi.  Tig-iisang kaso naman ang mga bayan ng Pili, Canaman, Libmanan, Nabua, Minalabac, Tinambac, San Jose at  Del Gallego.  Nanguna sa mag naging sanhi ang 5 Star o ang “libentador” , na nasundan ng improvised canon o “boga”.

Read More:  Doctor robbed by riding-in-tandem suspects in Bacolod
Read More:  How This Family Business in GenSan is Modernizing for a New Era of Doing Business

Sa record ng DOH Bicol, sampu lamang ang FWRI sa probinsya, hindi kasama ang ibang nasa record ng PNP tulad ng namatay sa Pamplona dahil hindi kasama sa mga monitored sentinel sites.  130%  ang idinagdag mula  Dec 21, 2023 hanggang January 3, 2024, kumpara sa parehong panahon noong 2023.