Camarines Norte nadagdagan ng 2 panibagong kaso at 9 ang nakarekober sa COVID-19

CAMARINES NORTE- Muling nakapagtala ng dalawang panibagong kaso at 9 ang nakarekober sa COVID-19 ang lalawigan ng Camarines Norte.

Sa pinakahuling tala ng DOH CHD Bicol, may tig-isang panibagong kaso mula sa bayan ng Labo at Capalonga 

Sa ngayon umakyat na sa 363 ang kabuuang bilang ng kaso ngCOVID-19 sa lalawigan na may 107 na aktibong kaso habang umakyat na sa 237 ang nakarekober na sa sakit

Read More:  Volunteer teacher helps pupils cross swollen river after class in Negros

Nananatili naman sa 19 ang bilang ng mga nasawi

Patuloy naman ang paalala ng DOH at PHO sa publiko na sumunod sa ipinapatupad na health safety protocols at mas lalo pang disiplinahin ang sarili sa palagiang pagsusuot ng face mask at face shield , pagpapanatili ng social distancing lalo na sa ngayon na may banta ng bagong variant ng COVID-19

Read More:  Police track suspect behind online bomb threat in Negros city