Camarines Norte isa sa may pinakamalaking bahagdan sa Bicol Region ng mga sasakyang tumatakbo sa kalsada na hindi rehistrado ayon sa LTO

CAMARINES NORTE – Aminado ang Land Transportation Office (LTO) na malaking bahagdan talaga ng mga tumatakbong sasakyan sa kalsada ang hindi rehistrado.

Kaya naman inilunsad ng ahensiya ang “Oplan Balik Rehistro, Be Road Ready” na naglalayong hikayatin ang mga may ari ng nasa 24. 7 million motor vehicle sa buong bansa na mag renew ng registration.

Sa panayam ng Brigada News FM Daet kay LTO Daet Assistant Chief Romeo Candelaria sinabi nitong isa ang Camarines Norte sa may pinakamalaking bahagdan sa Bicol Region ng mga sasakyang tumatakbo sa kalsada na hindi rehistrado.

Read More:  8 goats found dead with bite marks in Antique

Kahapon ay sabay- sabay na naglunsad ng operasyon ang iba’t- ibang LTO District Offices sa rehiyon, katuwang ang Highway Patrol Group at Local police para paigtingin ang kampanya sa Oplan Balik Rehistro at ang No registration, No travel policy.

Ang focus umano ng ginawang operasyon ay hanapin ang hindi mga rehistradong sasakyan, walang lisensya at iba pang major violations alinsunod sa Republic Act 4136 o mas kilala bilang Land Transportation and Traffic Code.

Read More:  Man killed in riding-in-tandem attack at Bacolod computer shop

Ayon kay Candelaria hindi lang nakatuon ang pansin ng LTO sa paghuli at pagpapamulta kundi mahikayat ang mga may ari ng delinquent motor vehicle na magrehistro.

Kaugnay nito ay hinimok ni Candelaria ang mga kailangan ng magparehistro na pumunta sa LTO upang maaalayan din ang mga ito sa pagpaparehistro.