Camalig, balik pink zone classification matapos magnegatibo sa ASF ang 2 natitirang barangay

LEGAZPI CITY – Kinumpirma ng Albay Veterinary Office na ang bayan ng Camalig ay ibinalik na sa pink zone classification matapos magnegatibo sa African Swine Fever (ASF) ang dalawang natitirang mga barangay.

Kung matatandaan, na-classify ang Camalig sa red zone makaraang maitala ang unang kaso ng ASF matapos ang mahigit dalawang taong pagiging ASF-free.

Read More:  Senior couple stabbed after offering shelter from rain to stranger in Cebu

Hinihikayat naman ng tanggapan ang mga animal farm owners lalo na ang mga nag-aalaga ng baboy na mahigpit na ipatupad ang mga pamantayan sa biosecurity upang mapanatili ang kalusugan at kaligtasan ng kanilang mga baboy.

Read More:  Six student interns injured after falling from hitchhiked truck in Bukidnon

Tiniyak naman na kasalukuyang pinaiigting ng kanilang opisina ang biosecurity standards sa lahat ng lugar sa lalawigan.