Calamity assessment sa mga imprastraturang naapektuhan ng bagyong Paeng, nagpapatuloy pa rin – DPWH Bicol

LEGAZPI CITY – Nagpapatuloy pa sa ngayon ang isinasagawang calamity assessment ng maintenance division ng DPWH Bicol para sa mga imprastrakturang naapektuhan ng bagyong Paeng.

Sinabi ni Dayadante sa kaparehong panayam na ang nabanggit na pagtataya sa mga imprastraktura ay hindi lamang nakapokus sa iisang lalawigan kundi ito ay Bicol-wide, ngunit ang naitalang may severe na damage ay ang bahaging Partido ng Camarines Sur at ang Catanduanes.

Read More:  2 killed, 1 hurt in Tagum City pedicab shooting

Inihayag din niya na sa kanilang pinakahuling datos noong Nobyembre 2, umabot sa halagang dalawampu’t walong milyumpiso ang partially damage sa rehiyon kung saan ito ay subject for validation pa rin.

Read More:  Speed limit law set for activation in General Santos City

Batay naman sa assessment, nakuha ng Camarines Sur ang may pinakamalaking damage na may mahigit isangdaan at sampung milyumpisong halaga, habang pumapangalawa ang Catanduanes na may mahigit tatlumpung milyumpiso.