Cabagnot, naipasok ang game-winning shot sa laro ng SMB kontra NorthPort

Naipasok ni Alex Cabagnot ang game-winning shot para sa San Miguel Beermen sa laro kontra NorthPort Batang Pier na nagtapos sa 88-87.

Ginanap ang opening game ng dalawang kuponan para sa kanilang best-of-three quarterfinals series ng 2021 PBA Philippine Cup sa Pampanga.

Ang nasabing tira ni Cabagnot ay sagot sa midcourt shot ni Robert Bolick.

Naniniwala naman si Cabagnot na ang tiwala sa kaniya ni SMB head coach Leo Austria ang susi sa ipinakita niyang kumpyansa.

Sinabi ni Cabagnot na nagtiwala pa rin sa kaniya si Austria kahit pwede naman siyang pagpahingain nito lalo na at wala siyang praktis.

Mababatid na ito ang unang beses na nakasama si Cabagnot sa Beermen matapos ang kaniyang paggaling mula sa knee injury.