CAAP: walang ibinigay na timetable para tapusin ang system ‘forensic probe’ matapos ang outage sa NAIA

Hindi nagtakda ang Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) ng anumang timetable para tapusin ang “forensic investigation” kaugnay sa Communications, Navigation and Surveillance Systems for Air Traffic Management (CNS/ATM) ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA).

Read More:  Senate minority walks out over proposed rules change

Pero sa kabila nito, tiniyak ni CAAP Acting Director General Manuel Antonio Tamayo na makikipagtulungan ang CAAP sa Department of Information and Communications Technology (DICT) upang makabuo ng resulta sa naturang imbestigasyon sa lalong madaling panahon.

Sa House briefing, ibinahagi ni Tamayo na na-trip ang circuit breaker ng CNS/ATM na naging dahilan ng outage.

Read More:  DENR preparing for possible impact of Super El Niño

Pero sa ngayon, hindi pa malaman ang saktong dahilan sa naturang tripping.

Nilinaw din nito, na bagama’t ang CAAP ang responsable sa maintenance ng critical system, hindi sila pinapayagan na physically i-check ang circuit breaker, sa halip ang DICT lang ang maaring gumawa nito.