Byahe ng pampasaherong bus sa Pampanga, suspendido

Nag anunsyo na ang ilang bus company na nag ooperate sa lalawigan, na pansamantala muna silang titigil sa pag byahe na may rutang Manila-Pampanga at vice versa.

Ito ay bilang pagsunod sa kahilingan ni Pampanga governor Dennis Pineda sa LTFRB na suspendihin muna ang mga byahe ng pampasaherong bus para makaiwas sa pag kalat ng Delta variant.

Read More:  Several children saved in Davao del Sur anti-online sexual abuse raid

Maraming pasahero naman ang nabigla sa naturang kautusan lalo na ang mga nag tatrabaho sa Kamaynilaan, hiling nila na meron sanang palugit na araw o alternatibong masasakyan.

Read More:  Police captain killed in shooting inside Capiz KTV bar

Maaalalang nagpatupad ng mahigpit na quarantine measures ang Pampanga para mapigilan ang pagkalat ng Delta variant mula August 2 hanggang 15.