Butete, pinulutan sa Palawan, 4 ka-tao patay!

Patay ang apat na ka-tao sa kinain umano nilang butete sa Busuanga, Palawan.

Nangyari ito sa Barangay Buluang nitong Martes, ika- 12 ng Marso.

Ayon sa Punong Barangay si Cresanto N. Daco, pinulutan sa inuman ng mga biktima ang ginataang butete at pagsapit ng gabi ay sinakitan na sila ng tiyan.

Read More:  8 goats found dead with bite marks in Antique

Nasawi rin ang nagluto habang ang nakaligtas ang siyang nag-paalam sa awtoridad na ang nakalalasong isda ang kanilang pinulutan.

Read More:  Mother nabbed in drug bust, 3 children left with neighbors

Ang mga nasawi ay kinilalang sina Dario Daco, Rocky Daco, Jay-Ar Dela Cruz, at isang Tyron mga nasa hustong gulang.

Kaugnay nito, nag-babala ang Lokal na Pamahalaang ng Busuanga sa lahat na iwasang kainin ang nakamamatay na isda.