Bus Companies sa Bicol Central Station fully booked pa hanggang Enero 7

NAGA CITY- Dumaragsa ang mga pasahero sa Bicol Central Station simula pa kahapon Enero 2, 2024.

Karamihan sa kanila pabalik na ng Maynila, inasahan din ng pamunuan ng terminal ang pagdami rin ng mga galing sa National Capital Region pabalik sa Bicol na bumiyahe kaugnay ng pagdiriwang ng Pasko at pagsalubong ng Bagong Taon.

Read More:  Tricycle gutted by fire in General Santos City after welding accident

Sa panayam ng Brigada News FM Naga kay Jenry Bolocon, Security Officer ng naturang terminal , sinabing nakabantay ang kanilang mga tauhan para sa seguridad ng mga pasahero , nasa terminal at kanilang mga gamit. Ganito ang inaasalang sitwasyon hanggang sa Enero 7, 2024 , fully booked pa ang mga bus companies habang tuloy-tuloy ang pagtanggap ng mga chance passengers. Katuwang ng mga regular na bus ang mga nabigyan ng special permit ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB).

Read More:  Mayon unrest pushes Albay farm damage beyond P6.6 million