Bureau of Immigration – sinibak na ang mga personnel na sangkot sa visa scandal

Tiniyak ng Bureau of Immigration (BI) na mahigpit nilang iniimbestigahan ang modus na pag-iisyu ng mga visa para sa mga bogus na mga kumpanya.

Maaalalang kamakalawa nang isiwalat ni Justice Sec. Boying Remulla ang ‘di umano’y pagbibigay ng mga visa sa mga pekeng korporasyon at mga proprietorships.

Read More:  Palace denies Marcos link to Franco Mabanta

Sabi ni Immigration spokesperson Dana Sandoval – naglatag na ng order si Immigration Commissioner Norman Tansingco para halungkatin ang naturang modus.

Nabanggit na rin noon ng Immigration chief na tila ba’y ‘tip of the iceberg’ pa lamang ang nasa 400 foreigners na unang na-blacklist matapos ma-petisyon ng mga pekeng kumpanya.

Read More:  DOE open to proposal to remove VAT on electricity

Hindi rin umano magaatubili ang BI na magrekumenda ng administrative sanctions sa mga current at former personnel ng tanggapan na mapatutunayang sangkot sa katiwalian.

Dahil dito, kinumpirma ni Sandoval na na-relieve na sa puwesto ang mga Immigration personnel habang gumugulong ang imbestigasyon.