Buntis Patay, dalawang anak sugatan sa mortar shelling sa Datu Hoffer

PATAY ang 20 anyos na ginang samantalang sugatan naman ang dalawang anak nito matapos mabagsakan umano ng mortar ang kanilang bahay pasado alas dyes ng umaga kahapon sa bayan ng Datu Hoffer Ampatuan sa probinsya ng Maguindanao.Nangyari ang insidente sa Sitio Pamindigan, Barangay Tuayan Mother sa nasabing bayan.

Sa panayam ng Brigada News FM Cotabato kay Datu Hoffer Ampatuan Secretary to the Mayor Madam Rowada Ampatawan, nakilala ang biktimang ginang na si Rosita U Kinindi.

Read More:  Off-duty Coast Guard rescues fisherman in rough seas in Antique

Si Kinindi ay isang katutubong Teduray na naninirahan sa lugar. Nagsasagawa umano ng military operation ang tropa ng Pamahalaan laban sa pinaniniwalaang grupo ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters o BIFF sa bulubunduking bahagi ng bayan nang mangyari ang insidente.

Read More:  MV June Aster fire death toll rises to 76 in Palawan, 13 remain missing

Agad nagbaba ng direktiba si Mayor Bai Bongbong Ampatuan upang tingnan ang kalagayan ng mga anak ng biktima kasabay ng pagpapaabot ng pinansyal na tulong sa mga inulila nito.Lumikas naman sa mas ligtas na lugar ang nasa 25 na pamilya ng nasabing Sitio dahil sa takot na muling maulit ang nangyari sa ginang.