LEGAZPI CITY – Hindi inaalis ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) ang posibilidad na magkaroon pa rin ng maliit na pagputok ang Bulkang Mayon kahit pa nasa alert level 1 ang status nito.
Sa panayam ng Brigada News FM Legazpi kay PHIVOLCS Resident Volcanologist, Dr. Paul Alanis, sinabi nito na kahit alert level 0 ay maaaring maganap ang phreatic eruption sa bulkan.
Aniya, bawat araw ay mayroong naitatalang rock fall event sa bulkan.
Napanatili pa rin ng nasabing bulkan ang status nito dahil sa patuloy na pagtaas ng lava dome.
Sinabi ni Alanis, ipinagbabawal pa rin sa mga turista at mga residente ang pagpasok sa loob ng 6 kilometer radius permanent danger zone ng bulkan upang makaiwas sa anumang banta ng panganib.