Itinaas ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) ang Alert Level 1 sa Bulkan ng Bulusan sa Sorsogon.
Batay sa abiso ng PHIVOLCS, ito’y dahil sa serye ng volcanic earthquakes mula October 14 na umaabot sa 121.
Bahagya ring namamaga ang Bulkan mula pa noong Pebrero nitong taon.
Bunsod nito, kailangang itaas ang Alert Level 1 o Low Level Unrest sa Bulkan.
Pinaaalalahanan ng lokal na pamahalaan ng Sorsogon ang publiko na umiiral pa rin ang 4 kilometers permanent danger zone.