BU alumnus, top 3 sa 2023 Certified Plant Mechanics Licensure Exam

LEGAZPI CITY – Isang alumnus ng Bicol University sa lalawigan ng Albay ang napasama sa topnotchers ng katatapos pa lamang na 2023 Certified Plant Mechanics Licensure Examination.

Kinilala itong si Engineer Patrick John Marcaida, graduate ng College of Engineering mula sa pamantasan, kung saan nakuha niya ang Top 3 spot sa nasabing pagsusulit.

Ibinahagi ni Marcaida ang kaniyang karanasan sa Brigada News FM Legazpi kung saan sinabi niyang goal niyang makapag-topnotch, subalit hindi siya makapaniwalang mapapasama nga siya rito at nasa pangatlong puwesto pa.

Read More:  HBONI, DOST push science-based development in Himamaylan IP community

Sobrang saya niya umano noong nakita niya ang pangalan ng Bicol University sa listahan ng topnotchers at nang panahong iyon, alam na niyang siya iyon dahil siya lang naman ang nag-take ng exam sa buong pamantasan.

Ayon sa kanya, consistency ang kanyang naging susi upang maabot ang layuning mag-topnotch at dahil madali siyang makalimot sa mga terms, inaraw-araw niya ang pagre-review at hangga’t maaari ay wala talagang ma-skip.

Read More:  14-year-old PWD dies in Cebu house fire

Samantala, ibinahagi niya rin na bumagsak siya noong 3rd year college na nakaapekto sa sumunod pang mga taon at inakala niyang hindi siya mapapasama sa gagraduate.

Payo niya naman sa mga nais din makapasa, maging consistent sa ginagawa, ugaliin ang pagbabasa araw-araw upang marami ang matutunan at alamin ang sariling learning style.