BSP, suportado ang paggamit ng cryptocurrency dahil sa malaki ang potensyal nito na mas mapabuti ang pagbibigay ng financial services

BICOL – SUPORTADO ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) ang paggamit ng Cryptocurrency o virtual currency dahil sa malaki umanong potensyal nito na mas mapabuti ang pagbibigay ng financial services sa tao.

Sa isang press briefing ipinaliwanag ng BSP na siya ring regulating body, ang benepisyo, panganibo at epekto nito sa digital consumers at investors, bilang bahagi ng paggunita ng Consumer Welfare Month na may temang “Digital Consumers: The New Normal.”

Read More:  NPA regional committee in Caraga collapses as remaining members surrender

Paliwanag ng BSP, ang cryptocurrency tinatawag ding digital currency o pera na nasa digital form kung saan ilan sa mga halimbawa ng cryptocurrency ay Bitcoin, Ethereum, Litecoin at iba pa.

Ayon kay BSP Acting Group Head Jovelyn Hao, hindi katulad ng tradisyunal na pera nagiging ‘secured’ ito dahil na rin sa teknolohiyang nakapaloob dito.

Gayunpaman hinihimok nito ang mga consumers at investors na paghandaan at pag-aralan ang risks o panganib  nito kasama na ang madaliang pagbabago sa presyo.

Read More:  CCTV captures computer shop robbery in Talisay City

Importante din na secure ang ginagamit na online account o digital wallet, gayundin na maging mapagmatyag at siguruhin ang confidentiality ng mga personal na impormasyon at transaction details dahil ito ay maaaring ma-hack o ma-expose sa cyber threats.

Hinihikayat din ang mga consumers at investors na makipagtransaksyon lamang sa BSP-registered virtual asset service providers upang maprotektahan ang pinaghirapang pera at investment.