BSKE sa Camarines Norte generally peaceful ayon sa Comelec

CAMARINES NORTE – Itinuturing ng Commission on Elections na “generally peaceful” ang katatapos lang na Barangay at Sangguniang Kabataan Elections sa Camarines Norte.

Ayon kay Provincial Election Supervisor Atty. Francis Nieves walang mga naitalang election related violence sa lalawigan batay na rin umano sa Philippine National Police.

Ang katatapos lang umanong halalan ay patunay na pinapahalagahan ng mga Pilipino ang demokrasya at patuloy ang magandang adhikain para sa bayan na nai- translate sa balota.

Kapag naiparoklama na rin ang nanalong kandidato at na- comply ang mga documentary requirements ay walang hadlang para ito ay hindi makaupo sa pwesto.

Hindi naman tahasang nasagot ni Nieves  nang matanong kung ano ang mangyayari sa mga nanalong kandidato na mayroong disqualification case.

Maliban naman sa unang inihayag ng opisyal na mayroong mga kandidato sa Camarines Norte na  inireklamo ng premature campaigning mayroon din umanong mga report ng vote buying.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *