Bruce Willis ipinagdiwang ang ika-68 na kaarawan kasama ang pamilya at ex-wife na si Demi Moore

Nagkaroon ng simpleng pagdiriwang ng kanyang ika-68 kaarawan si Bruce Willis kasama ang kanyang limang anak na babae, ang kanyang asawang si Emma at ang kanyang dating asawa, ang American actress na si Demi Moore.

Sa isang video , ipinakita ni Moore sa kanyang Instagram page na nakapalkibot kay Bruce ang kanyang mga mahal sa buhay habang lahat sila ay kumakanta ng birthday song. Pagkatapos ay hinipan niya ang kanyang birthday candle na nasa pie na hawak ni Emma.

Read More:  Gee Canlas breaks silence on alleged physical abuse by Archie Alemania

Ang mga anak ng dating mag-asawa na sina Rumer, Scout at Tallulah ay nagpadala rin ng kanilang mga pagbati sa kaarawan kay Bruce sa pamamagitan ng kani-kanilang mga Instagram page.

Read More:  Shuvee Etrata, fangirls over meeting Alex Eala in New York

Ito ang unang pagkakataon na ibinahagi ng pamilya ng aktor ang isang video tungkol sa kanya matapos ang kanyang ma diagnose na may dementia.//CA