BRP Gabriela Silang ng PCG, lalahok sa Regional Marine Pollution Exercise kasama ang Indonesia at Japan

Lalahok sa Regional Marine Pollution Exercise ang barko ng Philippine Coast Guard na BRP Gabriela Silang kasama ang Indonesia at Japan sa Bacolod City sa susunod na linggo.

Kahapon, isinagawa ng Coast Guard District Southeastern Mindanao ang send-off ceremony sa 83-meter offshore patrol vessel sa Panacan Wharf sa Davao City.

Ayon kay Coast Guard Fleet Commander, Rear Admiral Edgar YbaƱez, ang karagatan ay mahalaga sa kaunlaran ng bansa ngunit nahaharap din ito sa lumalaking banta sa maritime pollution.

Ang pagsasanay na ito ay magpapalakas aniya ng kakayahan ng PCG sa pagtugon sa mga insidente ng oil spill sa karagatan.

Inaasahan din mas mapapalakas ang ugnayan ng PCG sa kanilang Indonesia at Japan counterparts.

Bukod dito, mapapaigting din ang seguridad sa ating maritime boarders.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *