Briton na may dalang halos 400 ATM cards, huli dahil sa mga kahina-hinalang transaksiyon sa bangko

Timbog ang isang British national matapos siyang magsagawa ng mga kahina-hinalang transaksiyon sa isang ATM booth sa Ermita, Maynila at nakuhaan pa ng halos 400 ATM cards na iba-iba ang pangalan.

Naaktuhan ang kahina-hinalang ginagawa ng suspek ng security guard ng bangko kaya dinala na ito sa Manila Police District headquarters.

Read More:  DOH allays public fears over hantavirus threat

Siniyasat ng mga awtoridad ang kaniyang bag sa presinto, kung saan nakuha ang halos 400 iba pang ATM.

Read More:  Greenpeace Philippines insists ASEAN Summit protest was peaceful

Hindi na iniharap sa media ang suspek, na dumepensang pagmamay-ari ng kaniyang mga kaibigan ang samu’t saring ATM card.

Samantala, nakakulong na sa Manila Police District ang suspek.