Walang hanggan ang pasasalamat ng mga residente ng Marikina na naapektuhan ng Bagyong Carina matapos tulungan ng Brigada News FM Manila.
Binisita at personal na pinaabutan ng team ng tulong ang mga evacuees sa St. Mary Elementary School.
Bakas sa kanilang mukha ang saya sa kabila ng nangyari ng unos.
Ayon sa ilang nakapanayam ng Brigada team, malaking tulong para sa kanilang pamilya ang mga natanggap nilang relief lalo na’t medyo hirap pa silang makabangon mula sa naging epekto ng bagyo.
Sa ngayon ay unti unti na silang nagbabalikan sa kani kanilang tirahan habang tiniyak ng lokal na pamahalaan ang tulong sa mga nasalanta para sa kanilang pagbangon.